Profile Picture8Letters Bookstore

Ang Sabi Mo, Ang Sabi Ko

$3.58
0 ratings

Salamat kay Gerome at palagi tayong pinaaalalahanang kaibigan natin ang wika. Ano’t anoman ang mga kinahaharap natin—bagyo, kalungkutan, pag-iisa, pangamba, at ang kawalang-katiyakan ng kinabukasan—maaari tayong dalhin ng wika sa “isang mahabang dalampasigan” ng posibilidad. Maraming kuwentuhan at mga sabi-sabi tayong nalilimutang ikintal sa ating isip dahil pangkaraniwan nga lang naman ang mga ito. Nakasanayan na natin bilang kaibigan, kasintahan, at anak na isilid sa kaibuturan ng ating loob ang mga di-malilimutang talastasan, dahil sino nga ba ang magpapahalaga sa mga ito bukod sa sarili natin?

RODA TAJON

Guro, UP Open University


Marami silang sasabihin ngunit ito ang sabi ko: ‘lagi’t laging kulang ang salita’ ngunit sa mga tula ni Gerome, hindi lamang salita ang salita kundi pag-ibig, kalibutan, pag-asa.

LARI SABANGAN

Editor at Mananaliksik, Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman


Sa koleksiyong ito, matatagpuan natin ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig: hindi laging malungkot, hindi laging nalulugmok, at lalong hindi laging nagnanasang saktan ang sariling damdamin. Malinaw sa makata ang nais niyang tulaan, maging ang nais niyang ibahagi sa mambabasa: magmahal nang hindi nag-aalinlangan.

DENMARK B. SOCO

Awtor, Hamugaway (o kung paano kita patuloy na iniibig)

Fellow, Palihang Rogelio Sicat 16

Guro, Manila Tytana Colleges



Add to cart

an EPUB version of Ang Sabi Mo, Ang Sabi Ko

Pages
Size
885 KB
Length
39 sections
Copy product URL
$3.58

Ang Sabi Mo, Ang Sabi Ko

0 ratings
Add to cart